![]() |
Karibuk ang mga tao, ano nga ba ang meron dito? |
Summer nanaman... mainit.... bakasyon ang mga bata... (pati daw ang matatanda)... masarap mag outing at magbabad sa tubig... nakakabanas ang init ng araw... kung mainit sa Pilipinas, mas mainit ata dito sa Italya... Tama, mas mainit nga dito, daig pa ang Maynila... pero kung nasa Pinas ka at babasahin mo to, syempre hindi ka maniniwala sa sinasabi ko.. :))
Nasa bahay kami ngayon...nakaupo ako sa kama....naka tunganga,walang ginagawa... sobrang init... haay...
Nasa bahay kami ngayon...nakaupo ako sa kama....naka tunganga,walang ginagawa... sobrang init... haay...
"Gusto ko ng fishball" ang wika ng kapatid ko.. Narinig ito ng Tita ko.. "tara sa Macmahon, may nagtitinda dun ng fishball.. madami dun Pinoy na nagtitinda ng mga Filipino foods" sagot nya sa kapatid ko... at syempre, dahil gusto ko din... magpapaiwan ba ko sa bahay??? syempre hindi.. kaya naligo agad ako.. nagbihis... sabay alis....
Bago lang ako dito sa Italy.. hindi naman bagong bago.. pero kung susuriin ko ang aking sarili, alam ko sa sarili ko na, maituturing pa din akong "bagong salta" sa Italya... Mag iisang taon na din ang nakalipas mula nang nakarating kami dito ng kapatid ko... at bilang isang kabataan na mahilig sa mga "tuhog-tuhog" (street foods) sa Pinas, matagal tagal na din akong nagke-crave sa FISHBALL.. sino ba naman ang hindi nahilig sa pambansang street food ng pinas na kahit kelan hindi nagtaas ng presyo... :)) singkwenta centavos pa din ang isa.. yun nga lang, lumiit na.. haha
![]() |
Fishball 1euro-7pcs.. Ginto :)) |
Nasa byahe na kami papuntang McMahon... iniisip ko ngayon, ano kaya ang lasa ng fishball sa italya? masarap kaya yun?? 50centavos din kaya ang isa?? masarap kaya yung sauce?? tunay nga bang fishball yun?? o baka naman homemade na fishball lang yun?? bagong luto kaya?? o niluto na sa bahay?? paano sya nagtitinda dun?? madami kayang bumibili?? andami kong tanong sa sarili ko.... maya maya pa'y andito na pala kami sa McMahon... excited na ko... OA diba??? syempre, tagal ko kaya ndi nakaka kain nun..
Eto pala ang McMahon... pero bakit parang wala naman akong nakikitang nagtitinda ng fishball?? andaming tao.. nagkakaribuk silang lahat.. parang may pagpupulong.. ano bang meron dito?Nasaan na si manong na nagtitinda ng fishball? Ayun.. nakita ko na si Manong.. sa wakas makaka kain na ulit ako ng fishball.. pero teka.. may nakikita pa kong isa pang nagtitinda... wow.. may Halo-halo din, may siomai.. may inihaw na tenga ng baboy.. may bananacue, bibingka, karioka, palamig., at kung ano ano pa... akalain mo nga naman.. fishball lang ang hiniling ko, higit pa dun ang natagpuan ko sa Parco McMahon.. ooops, teka, bakit parang may ibang pinagkakaguluhan ang mga tao.. ano kaya yun?? alamin natin......