Monday, December 09, 2013

What Makes us a Filipino??

When I was a little girl.. I wanted what many Filipino children all over the country wanted.. I wanted to be blond, blue-eyed and white.. and if I could wished hard enough and was good enough, I'd wake up on Christmas morning with snow outside my window.... and freckles across my nose.. :))

We are 13 in the family... yes.. 13!!! because I came from a big and extended family.. I grew up living with my lolo and lola, tito and titas and with my cousins na parang kapatid ko na din.. But now, they are only 8 left in the Philippines; the rest have gone abroad in search of greener pasteurs.. (kasama na kami don ng kapatid ko)... It's not just an anomaly.. It's a trend.. the Filipino diasposra.. Today millions of Filipinos are scattered around the world..

There are those who disapproved of Filipinos who choose to leave.. I used too.. tulad ng ibang mga kabataan dito sa Italy, lumaki din ako ng wala sa tabi ng mommy ko.. at ang tanong ko noon sa sarili ko, "bakityung mga friends ko nakakaraos naman kahit nasa Pinas lang ang mga magulang??" Maybe this is a natural reaction of someone who was left behind... smiling for a family pictures that get emptier with each succeeding years.. Desertion, I called it...

Our country is land that has perpetually fought for the freedom to be itself. Our heroes offered their lives in struggle against the Spanish, the Japanese, the Americans.. to pack up and deny, that identity is tantamount to spitting on that sacrifice.
true there is no denying this phenomenon, aided by the fact that what was once the side of the world is now a 12 hour plane ride away.. But this is a borderless world, where no individual can claim to be purely from where he is now.

Each square mile anywhere in the world is made up of people of different ethnicity, with national identities and individual personalities.. Because of this, each square mile is already a microcosm of the world..
Seen this way. the filipino diaspora or any sort of dispersal of population is not as ominous as so many claim.. It must be understood. We came from a 3rd world country, one that is still trying mightily to get back on its feet after so many years of dictatorship. But we shall make it, given more time. Especially now, when we have thousands of eager young minds who graduated from college every year. They have skills. They need jobs; and the Philippines can not absorb them all.

A borderless world presents a bigger opportunity, yet one that is not so much of an abandonment but an extension of identity. Even as we take, we give back. Nationalism isn't bound by time or place. People from other nations migrate to create new nations, yet still remain essentially who they are.

Leaving sometimes isn't a matter of choice. It is coming back, that is!! People traveled all over the middle-earth, but they choose to come home, richer in every sense of the word. Ganyan tayo, tingin natin sa mga nangingibang bansa "mayaman".. We call people like these "balikbayans" or the returnees-- those who followed their dream, yet still choose to return and share their mature talents and good fortune.

I have taken advantage of every opportunities come my way.. sabi nga ng teacher ko sa school, pulutin ang lahat ng pwedeng pulutin.. But after that, I will come home. A borderless world doesn't preclude the idea of a home. I am a Filipino and I'll always be one. It isn't about just geography. it isn't about boundaries.. It's about giving back to the country that shaped me.

And that's going to be more important to me than seeing snow outside my window on a bright Christmas Morning..

Mabuhay and thank you.. HAHA..

Sunday, July 21, 2013

Ano nga ba ang Meron sa Parco McMahon??! Part1

Karibuk ang mga tao, ano nga ba ang meron dito? 

Saan nga ba ang Parco McMahon??  
Summer nanaman... mainit.... bakasyon ang mga bata... (pati daw ang matatanda)... masarap mag outing at magbabad sa tubig... nakakabanas ang init ng araw... kung mainit sa Pilipinas, mas mainit ata dito sa Italya... Tama, mas mainit nga dito, daig pa ang Maynila... pero kung nasa Pinas ka at babasahin mo to, syempre hindi ka maniniwala sa sinasabi ko.. :)) 


Nasa bahay kami ngayon...nakaupo ako sa kama....naka tunganga,walang ginagawa... sobrang init... haay... 
"Gusto ko ng fishball" ang wika ng kapatid ko.. Narinig ito ng Tita ko.. "tara sa Macmahon, may nagtitinda dun ng fishball.. madami dun Pinoy na nagtitinda ng mga Filipino foods" sagot nya sa kapatid ko... at syempre, dahil gusto ko din... magpapaiwan ba ko sa bahay??? syempre hindi.. kaya naligo agad ako.. nagbihis... sabay alis.... 

Bago lang ako dito sa Italy.. hindi naman bagong bago.. pero kung susuriin ko ang aking sarili, alam ko sa sarili ko na, maituturing pa din akong "bagong salta" sa Italya... Mag iisang taon na din ang nakalipas mula nang nakarating kami dito ng kapatid ko... at bilang isang kabataan na mahilig sa mga "tuhog-tuhog" (street foods)  sa Pinas, matagal tagal na din akong nagke-crave sa FISHBALL.. sino ba naman ang hindi nahilig sa pambansang street food ng pinas na kahit kelan hindi nagtaas ng presyo... :)) singkwenta centavos pa din ang isa.. yun nga lang, lumiit na.. haha

Fishball 1euro-7pcs.. Ginto :))
Nasa byahe na kami papuntang McMahon... iniisip ko ngayon, ano kaya ang lasa ng fishball sa italya? masarap kaya yun?? 50centavos din kaya ang isa?? masarap kaya yung sauce?? tunay nga bang fishball yun?? o baka naman homemade na fishball lang yun?? bagong luto kaya?? o niluto na sa bahay?? paano sya nagtitinda dun?? madami kayang bumibili?? andami kong tanong sa sarili ko.... maya maya pa'y andito na pala kami sa McMahon... excited na ko... OA diba??? syempre, tagal ko kaya ndi nakaka kain nun.. 


Eto pala ang McMahon... pero bakit parang wala naman akong nakikitang nagtitinda ng fishball?? andaming tao.. nagkakaribuk silang lahat.. parang may pagpupulong.. ano bang meron dito?Nasaan na si manong na nagtitinda ng fishball? Ayun.. nakita ko na si Manong.. sa wakas makaka kain na ulit ako ng fishball.. pero teka.. may nakikita pa kong isa pang nagtitinda... wow.. may Halo-halo din, may siomai.. may inihaw na tenga ng baboy.. may bananacue, bibingka, karioka, palamig., at kung ano ano pa... akalain mo nga naman.. fishball lang ang hiniling ko, higit pa dun ang natagpuan ko sa Parco McMahon.. ooops, teka, bakit parang may ibang pinagkakaguluhan ang mga tao.. ano kaya yun?? alamin natin...... 
Siomai... Spell S(h)IOMAI.. hahahhaha
inihaw na tenga ng baboy.. 

Monday, May 06, 2013

Tara na!! Byahe Tayo!!




Araw ng linggo, kaya naman kelangan ko nanaman lumuwas ng Maynila... Haaay, ang init init, tinatamad ako.. Pero hindi pwede, kelangan ko na talaga lumuwas kasi maaga pa ang pasok ko bukas...
.


Nagpaalam na ko sa lola ko, at lumabas na ng bahay.. Sumakay ako sa ordinary bus.. Palibahasa taga probinsyana, bibihira pa ang aircon bus sa bayan namin.. Hindi naman liblib na lugar ang pinanggalingan ko, sadya lang talaga na nagsisimula pa lang itong umasenso... :)) Bago ako sumakay ng bus,, may nakita akong nagtitinda ng BANANA QUE sa gilid ng plaza... Bagong luto, at madaming asukal.. Natatakam ako.. Parang gusto ko bumili, pero iniisip ko, natatamad naman ako kainin yun sa bus.. Baka maglaglagan lang ang asukal sa damit ko.. Nakakahiya naman kung madudumihan ako :)) .
.



Makalipas ang 15 minutes, ayan paalis na ang bus sa wakas.. Humaharurot nanaman habang nagpapatugtog ng mga pandiinang kantahan, mga tipong Bed of Roses.. Nakakairita sa tenga.. Pero ayos na din, wala naman kasi akong choice... Bababa din naman ako sa tagaytay, para lumipat sa aircon bus.. Ayoko magtyaga sa traffic at init...Sabayan pa ng mga lumang tugtugin na bet na bet ng kundoktor at driver ng bus.. 
.



Maya maya, may sumakay na bata... May dala dala syang mga box ng BUKO PIE na patas na patas, inaalok nya sa lahat ng pasahero sa bus na sinasakyan ko.. Wala namang bumibili sa kanya,, sa tuwing luluwas ako, lagi ko na lang nakikita ang mga gantong tao.. Mga nagtitinda ng buko pie, na wala namang bumibili pagtapos buwis buhay pa sa pagtalon ng bus,, at halos masira pa ang mga gomang tsinelas.. Nakaka awa din naman.. Gayon pa man, di pa din ako bibili ng buko pie na tinda nya... Hindi kasi ako kumakain ng buko... :))
.



Haaaay, nagugutom ata ako.. Sige na nga, dadaan muna ko sa JOLLIBEE para kumain ng paborito kong Chicken joy, at peach mango pie.. Jusko, di pa man ako nakakarating sa dorm, nabawasan na agad ang baon ko.. Pero sulit naman,, dahil sa sarap ng pagkain kay kumpare, busog na busog ako... Oo, kumpare ko na si jollibee, :))
.



Pagtapos ko kumain, dumaan ako sa 7eleven, para bumili ng baon ko.. Ako kasi yung taong nahihilo sa bus pag walang kinakain sa byahe...bumili ako ng PIKNIK, HELLO PANDA, CLOVER CHIPS, RIDGES na green at MOGU MOGU.. Oh diba, kala mo lagi field trip... :)) yan lagi ang baon ko sa byahe... Kelangan talaga madami.. Kasi baka mahilo ako... Kakainin ko yan mamaya dahil sigurado ako na TRAFFIC nanaman SA IMUS at BACOOR.. May bago pa ba dun? Syempre wala na, ang sarap na nga minsan ipabura sa mapa yung dalwang lugar na yun, eh kasi naman, di na nawalan ng traffic... Minsan kinakabog pa ang traffic sa EDSA... :))



.
Nakatulog ako sa byahe,, pag gising ko..... Shit!! Nasa Imus pa din ako?? Lintik na traffic talaga yan oh.. Haay,, kakainin ko na nga lang ang mga binili ko kanina... Binuksan ko ang piknik.. Kain, kain, kain, maya maya, nangangalahati na ang piknik na kinakain ko, pero grabe talaga ang traffic,, may kumatok sa pintuan ng aircon bus na sinasakyan ko,, si manong. na may bitbit na Ice box, pero hindi ice ang laman nun... EMPANADA!!! Haha, eto nanaman ako.. Isa to sa mga paborito ko... Masarap ang empanada na tinda ni manong.. Lalo na yung pizza flavor.. Oo may empanada na pizza flavor.. Tuwing luluwas ako, bumibili ako sa kanya nun, sa tuwing sasakay sya sa bus na sinasakyan ko din :))
.



Ubos na ang mga pagkain ko.. Sa wakas nasa may pasay rotonda na ko..haaay andaming tao.. Ayoko talaga ng ganto.. Nakakairita. Nakakabanas pa ang init.. at may malaking bag pa kong bitbit.. Andaming taong nakapila para bumili ng ticket sa MRT... Magttyaga nanaman ako..  MRT ang sasakyan ko, kasi naghihintay sakin ang mga pinsan ko, nasa TRINOMA daw sila,doon na nila ko hihintayin sa taas sa may STARBUCKS, para sabay sabay na kami pumunta sa SM NORTH.. nagyayakag daw kasi yung isa naming ka dorm na kumain sa may SKY GARDEN sa ARMY NAVY... Doon na daw kami maghahapunan.... Oo na, ako na ang matakaw... Kumain na lang ako buong maghapon... Haha, pero sa maniwala kayo at sa hindi, hindi ko talaga nauubos ang burger sa army navy.. Kasi naman, sobrang laki, at sobrang oily ... Kaya naman, lagi na lang taga kain ng tira tira ko ang mga pinsan ko.. buti na lang talaga mahal ako ng mga pinsan ko.. Hahahaha..
.



Busog na ang ang lahat... Kaya naman nagdecide kami na umuwi na.. Naghhntay na kami ng bus na byaheng MALANDAY... Nakasakay na kami, siksikan nanaman.. Dahil ako ang babae, ako ang pinaupo ng mga kasama ko... Ganun talaga... Yan ang advantage ng babae.. Haha.. Maya maya, nakarating na din kami.. Bumaba kami sa BBB (hanggang ngayon, di ko alam kung anong ibig sabihin nyan, hahaha, basta yan ang tawag sa lugar na yun.. ) :))
.



Sa wakas, eto na kami sa gate ng dorm namin... Pagbukas ng gate, nakita namin pinapakain ni GAMBY yung aso nya... (Si gamby talaga ay pangalan nung aso, pero dahil sa kalokohan namin ng mga kadorm ko, gamby na din ang tawag namin sa amo nya, sa tuwing pinag uusapan namin sya . :)) haha ) tapos naghahabulan naman sina SACHI at FORD sa may tapat ng bahay namin...(Si sachi ay anak ng kapitbahay namin, at si Ford naman ay anak ni Gamby, ang katiwala sa compound na inuupahan namin)
.



Pagbukas ng pintuan ng bahay namin... May kumalabog sa itaas... Up and down kasi ang boarding house namin... Sanay na kami sa mga ganyang kalabog.. Mga naglalakad, nagbubukas ng ilaw at gripo, nag hihina at naglalakas ng volume ng tv, o di kaya naman ay umaakyat sa hagdan kahit na wala namang tao... Oo, may kaibigan ata kami sa bahay na yun... At pinangalanan namin syang CUSTAVO... :))
.



Magpapahinga na ang lahat, kaya naman nakahiga na kami sa kanya kanya naming kama... Nagbukas ng radyo ang pinsan ko, nakinig kay PAPA JACK... Naging libangan na din namin ang makinig kay papa jack tuwing gabi... Haha.. Wala kasing magawa eh.. Habang nagpapa antok.. :)) dahil lahat kami may pasok pa bukas..
.



Kinabukasan, nagising ako... 6am... Shit.... Late na... Maliligo pa ko.. May tao pa sa CR, kasi naliligo pa yung pinsan ko... 7:25am na ng nkarating ako sa school... Tamang 5minutes na lang, mag sstart na ang klase... Pag pasok ng professor ko... "Good Morning class, get one half lengthwise, you'll be having your quiz about our topic last week, before I start my discussion about the life of Rizal". 
.


Sheeeeeeet..... Nakalimutan ko,,, may Quiz nga pala kami today.. Malulunisan ata ako... Lunes na lunes... Agang aga... Buena mano naman tong walang kwentang professor ko... :)) feeling major talaga..



(Nga pala, magtataka ka siguro bakit capitalized yung ibang words,, yun kasi yung mga bagay na namimiss ko sa pinas, uuuuy, titingnan nya ulit.. Haha )

Eva vs Adan :))


(walang magandang simula)

Alam ko naman na ang mga lalake karamihan talaga, hindi showy... Hindi marunong mag effort... Alam nila yung gagawin nila, pero nahihiya silang gawin... Alam naman ng mga lalake kung anung makakapagpasaya sa babae... Pero, di nila ginagawa yun... Kasi sa panahon ngayon, feeling nila, ang korni na ng ganung bagay...
...


Karamihan sa mga lalake,, hindi showy, hindi vocal, kasi, pilit nilang pinapakita na lalake sila... Hindi nila gustong ipakita masyado, kasi natatakot siguro na asarin ng tropa na under sila nung girl...

...


Karamihan sa mga lalake,, magaling lang sa una,,, sila yung tipong,, nung una, pag na late ka, ayos lang... Nakangiti pa din pagdating mo... Pero habang tumatagal,, hindi na ganun ang nangyayare,, ngayon, ma late ka lang ng ilang minuto,, galit na agad sya.. Badtrip sa kakahintay sayo... Magrereklamo na bakit antagal tagal mo dumating... Kahit na, 5minutes ka lang na late... (Kasalanan naman nga namin, kasi antagal namin kumilos)

...


Karamihan sa mga lalake,, tahimik lang... Hindi namin malaman kung anung iniisip nila,, hindi namin alam kung galit, walang gana, nanttrip, tinatamad, naiirita, nagtatampo, o kung anu man ang nararamdaman nila... Anu bang tingin ng mga lalake samin?? Mind reader??? Por dyos por santo,, hindi kami manghuhula... Sa mga gantong panahon, oras na nanahimik ang lalake, nanunuyo naman kami... Ugali namin yan,, ang manuyo... Pero hindi kami tanga na, susuyuin ka hanggang matapos ang buong araw, tapos, sasabihin mo lang "wala nga, wala akong problema" (anu ba yan?? Naglolokohan ba tayo?? Walang problema, pero ganyan sagot mo? )

...


Kaming mga babae, mahirap kaming ispellengin...Anjan yung, pababago ang isip namin..Anjan yung mood swingAnjan yung habang nasa mall kayong dalwa, maiirita ang mga lalake, kasi, may napili na, tapos pag may nakita, gusto nanaman.... Eh kasi,, ganyan talaga kami, gusto namin lagi, yung the best... hirap kami pag walang pinagpipilian... Gusto namin laging maganda.. Nature na ng mga babae yun...

...


Ang babae minamahal...hindi minumura pag nagaaway kayo.. Nirerespeto...hindi binabastos, kahit anung klaseng babae pa yan.. Inaalagaan...hindi ginagawang katulong sa bahay... Iniintindi...hindi pinababayaan... Pinagtatanggol.. Hindi pinagkakalandakan pagtapos nyong halik halikan... Pinahahalagahan.. Hindi binabalewa
la...
...

Mood swing... Oo madalas samin yan.. Pero laging may dahilan... Hindi naman kami baliw, para mairita ng wala lang..Kung monthly nangyayari toh,,, wala kang magagawa... Due to hormonal imbalance yun... Pasalamat na lang kayong mga lalake, hindi kayo ang naghihirap...At kung weekly naman nangyayari yun.. O kung mas madalas pa dun... Mag isip isip ka na... Baka may dahilan talaga... Baka naman sadyang, nakakairita ka na, kasi hindi mo alam kung paano ipakita sa kanya yung importance nya sayo..
...


So anu nanamang sasabihin ng mga lalake??? Na masyado kaming maarte, lagi na lang ba dapat pinapakita nila na love nila kami.... Syempre naman noh,,, lahat ng babae, yan ang pangarap... Sino banamang nangarap ng relasyon na sobrang boring... Yung tipong kala mo nangangapa ka sa dilim... Para kang nanghuhula kung mahal ka ba talaga nya... Minsan kasi ang mga lalake, sabi lang ng sabi na mahal nila ang mga babae, pero malayo naman yun sa ginagawa nila sa tunay na buhay... Actions speak louder than words!!! Gawa gawa din... Puro kasi salita...

...


Ang mga lalake sobrang unfair... Gusto lagi, sila ang makaka "first blood" sa mga babae... Hindi naman madali para samin ang ibigay ang virginity namin noh... Isa pa, kung hihilingin nyo yun, siguraduhin nyo din na kami din ang una.. Kami lang... Ang una't huli... yung iba naman kasi, porke hindi sya ang nauna, magagalit na sa girlfriend nya... Hoy, para sabihin ko sayo, anu bang habol mo??? Mahal mo ba talaga, o gusto mo lang maka isa???

...


Kaming mga babae pag sinabi naming "mag effort ka naman " hindi ibig sabihin non ay sungkitin mo ang mga bituin sa langit ( imposible naman, di naman kami ganon katanga) , pakasalan kami sa lahat ng simbahan (anung drama naman yun?? Kelangan paulit ulit??) , bilhin ang buong SM ( edi sana si henry sy na lang ang binoypren namin di ba?) , bigyan kami ng madaming chocolates ( oh well, alam namin hindi ka si willie wonka, at di kami naghahangad ng madami nun, nakakataba masyado ) , di mo naman kelangan gumastos para mag effort.... Mas kinikilig kami sa mga bagay na simple at kayo ang gumawa... Kahit nga love letter lang,, kilig na kilig na kami... Mababaw ang kaligayahan namin.. Anu banaman yung pumitas ka ng rosas sa kapitbahay nyo, o di kaya naman ay magluto tapos special delivery pa sa bahay..., mga simpleng bagay... Hindi naman kelangan gumastos lagi... Bakit naman kami,, kahit walang talent sa arts,, nakakagawa kami ng magandang art project para sa inyo... (Ok fine, sa gantong bagay, madalas talaga, mas matyaga kaming mga babae, at dahil na din sa likas samin ang pagiging maarte, kaya naman sulat lang ang ibibigay, eh kung anu anu pang kaekekan ang makikita mo sa gilid) patunay lang yun guys, na nag eefort talaga kami... Sana kayo din..

...



Ang mga lalake, napaka hilig bakuran kaming mga babae..... Tapos,,, pag kayo ang nakakita ng ibang babae,, ang dahilan nyo "lalake ako eh" ... Eh kami??? "Babae kami eh" tulad lang tayo mga tyong... Kung kayo na aattract sa opposite sex,,, ganun din kami... Tulad tulad lang tayo...

...


Sa panahon ngayon... Pantay na lang naman talaga ang babae at lalake... Kung noon lalake lang ang nambabae,, ngayon, pati babae nanlalake na din... Pero hindi ibig sabihin nun, na dapat mawala yung mga bagay na ginagawa ng mga lalake para sa mga babae.. Minsan kasi, kaya nagkakaron ng ibang lalake sa buhay ng babae, dahil binibigyan nyo ng reason ang kapwa nyo lalake na makapasok sa relasyon nyong dalwa.. Lagi mo kasing sisiguraduhin na naggagawa mo yung obligasyon mo sa partner mo.. Wag mo din masyadong sakalin... Wag din masyadong maluwag... Laging dapat sakto lang...

...


Sa mga babae naman, wag din masyadong malandi.... At wag din masyadong pihikan... Wag masyadong mag maganda... Wag laging magmalinis.. Marami kasi jan, kung sino pang mahihin, sya pang mababalitaan mo na buntis...


(wala din magandang ending. me masabi lang haha) 

Sunday, May 05, 2013

Binondo Escapade


" San ka ba pinanganak?"
"Ah, edi alien ka pala" 
"Kamusta na si mommy mo?"
"Hindi ba uuwi ang nanay mo?"
"Kelan ka susunod sa mommy mo?"
.
Eto ang mga katagang bata pa lang ako ay madalas ko ng naririnig sa halos lahat ng tao na mangangamusta sakin.. (Ngayon, naisip ko, oo nga, hindi nga naman ako ng kinakamusta nila, kundi ang nanay ko)... 
.
Bata pa lang ako, lahat sila sinasabi na "pupunta ka din sa Italy, kasi dun ka pinanganak". Kaya noon pa man, naipag siksikan ko na sa mura kong isipan na "oo balang araw, aalis ako sa Pilipinas, kasi kelangan ko balikan yung lugar na aking pinagmulan" .. 
.
My First day here in Milan..
as usual.. ako ang photographer
From Left to right: Karlo, Tita Jaja. Mommy :))
At eto na nga... Asan ba ko ngayon?? Eto na ba ang sinasabi nilang "Ibang Bansa" ? Dumating ako dito sa Europa noong Agosto 13,2012. Araw ng lunes.. (Shit,, lunes na lunes.... Na lunisan ata ako.. Haha) Nang pagtapak ko sa bansang Italya, akala ko nasa Binondo ako... Ni hindi man lang ako namangha sa mga gusali sa paligid.. At ni hindi ko man lang nabanggit yung "karlo, picturan mo ko". (Si karlo ay ang nakababata kong kapatid, na kasama kong nagpunta dito). Akala ko noon, maganda dito... Eh kasi naman, pag nasa Pinas ka at sinabing ITALY, parang ang mga reaction ng mga tao ay "wow" bigtime.... Pero ako masasabi kong, iba pa din talaga ang ganda ng Pinas... At ngayon, mapapatunayan ko na ang slogan na "WOW! PHILIPPINES" :)) 
.

Andito na nga ako ngayon sa Italy.. Sa bansa na pinapangarap ng karamihan na mapuntahan dahil na din sa St.Peter's Square (Vatican, City) , para makita daw nila ang Santo Papa.. para na din makagala daw.. At matikman ang masasarap na PASTA at PIZZA dito.. Ganyan din ako noon, excited akong pumunta dito, akala ko kasi noon, maganda dito.. At masasarap ang mga pasta.. Ganyan naman tayong mga pinoy, sino banaman ang di nahilig sa SPAGHETTI?? Lahat ng bata, nagdaan sa spaghetti!!! . Sa mga simpleng tao, ang Spaghetti ay natitikman lang kapag may handaan... Kadalasan kapag may birthday party... Kaya naman madalas pag nakarating ka sa kapitbahay at may spaghetti sa lamesa nila ganto ang kadalasang tanong "sino ang may birthday?". Ganyan tayong mga pinoy.. Hindi pang araw araw ang pasta sa hapag kainan natin.. Sanay kasi tayo sa ADOBO, SINIGANG, DINUGUAN, KARE KARE, TULINGAN, BULANGLANG, TUYO at kung anu anu pa (di ko na iisa isahin ang mga ulam na namimiss ng mga pinoy na nakakausap ko dito) 

.



ebidensya po.. baka naman kasi sabihin nyo
 eh nagiimbento lang ako.. haha..  
Mabalik tayo sa bansang Italya, anu nga ba ang meron dito??? Well, hindi ko din alam... Mapwera na lamang sa mga nakikita kong nanlilimos sa tren, na tumutugtog ng violin, habang may nakasakbit na nike na backpack at naka adidas na shoes... (Wag ka mag alala, magkatulad tayo ng reaksyon)  Taray di ba??? Kung sa atin, may kaya ka na sa buhay pag ganun ang gayak mo, dito wala lang yun, kung meron man, pang araw araw na lang.. Pero sa aminin natin at sa hindi, ang ganong tatak ng damit sa pinas ay pang alis ng mga tao, pang gala, at pang porma na.. :)) at ang instrumentong violin ay pang mayaman lang.. :))
.
Anjan din yung napaka daming vandalism sa pader... Oo sobrang dami.. Kinabog ang mga pintuan ng CR sa mga eskwelahan sa Pinas sa dami ng nakasulat sa mga pader dito.. Some people are saying "that's vandalism!". Others are "that's art!" Me??? My question is always like this, "how the hell did they get up there?". :)) paano nga ba? paano sila nakakapag drawing at nakapag pintura sa ilalim ng tulay, sa mga riles ng tren, sa pader na ubod taas, sa mga gilid ng tren na kung sa atin ay MRT at LRT... Paano nga kaya?? Ewan ko din.. :)) 
.
Via Paolo Sarpi.. ang mini divisoria ng Milano.. :))
Andito din ang ibat ibang uri ng tao.. Ibat ibang lahi.. Akala ko noon, ang makikita ko dito madaming madaming Italyano.. Pero bakit mas madami pa akong nakikita na Egyptian, indian, german,british, pinoy at syempre chinese... Wala ng nakakagulat sa madaming pinoy dito.. Dahil kahit saang sulok ng mundo, may pinoy talaga.. Yan tayo eh.. At wala na din naman sigurong nakakagulat kung sasabihin kong may "Mini Divisoria" din dito.. Oo,, at syempre,,intsik ang may pakana noon.. Sino banaman ang magaling sa mga ganyang kalakaran?? Syempre sila lang naman.. Sila ang mga wholesaler dito ng mga kung ano ano... At dahil wala naman ditong sari sari store... Sila na din ang mga retailer... Oo sila lang.. :)) 



.

Paninda sa labas ng Simbahan :)) 
Bakit nga ba hindi ito gawin ng mga pinoy?? Yan ang akala mo,, dahil dito may mga pinoy din na nagtitinda ng Siopao, siomai, bananaque , barbecue, sapin sapin, empanada, chicharon, palabok,kwek kwek longganisa, tocino at kung ano ano pa.. Eto yung mga pinoy na, haharangin ka paglabas mo ng simbahan kung araw ng linggo, para bumili ka sa kanila.. O di kaya naman ay sa station ng tren, pasimpleng mag aalok sayo ng paninda nya,pasimple lang dahil bawal yun dito... Yan tayong mga pinoy... Kahit bawal, basta pagkakakitaan, gagawin ang lahat para lang sa pamilya,, syempre sino banaman ang tatangkilik sa mga paninda nila, kundi ang mga kapwa pinoy din.. :))
Proof of purchase.. haha (kwek-kwek + suka) 


.
Me with Karlo and mommy in St.Peter's square. 


Malayo ako sa Vatican, at sa Roma... Andito kasi ako sa Milan.. Pero narating ko na din ang Vatican at Rome na pinapangarap ng karamihan.. Ng magpunta ako dun, nakita ko ang Santo Papa.. Nakita ko ang lawak ng St. Peter's Square.. At ang mga rebulto na nakatayo sa paligid nito.. Hindi ko maintindihan, bakit hindi ako namangha?? Ewan ko din.. 

.





From Castel Sant' Angelo
Ang Rome naman, ay hindi nalalayo sa Maynila.. Sabagay, sabi nga nila, ang Roma ang Maynila ng Italya.. Madumi ang mga tulay.. Madaming kalat sa paligid.. At sobrang init din.. At syempre,, hindi pa din ako natuwa.. Pero kung kilala mo ko, at nakikita mo ang mga pictures ko, iisipin mo ang swerte ko naman, kasi nakarating ako doon.. At muka akong masaya.. Mukang maalwan ang buhay, kasi nakakagala... Yun ang akala mo.. Syempre, sino banamang tao ang nagpapicture ng malungkot?? Ng nakasimangot?? Ng nakasubangot ang muka?? Wala!! :))
.


So anu nga ba ang maganda sa Italy?? Hindi ko din alam.. Dahil ultimo yung kilala kong italyano, sinasabi nya sa akin na pangit daw dito, katunayan nga nyan, gusto nya pumunta ng Pilipinas, iniisip nya mas ok doon, kesa dito.. At oo,, ngayon, kung ikukumpara ko ang dalwang bansang ito... Ngayon masasabi ko talaga ang "IT'S MORE FUN IN THE PHILIPPINES"
My jump shot in Luneta.. wayback 2011 :)) 

" Modern Love "

My t-shirt is the reason kung bakit ko sinulat to..
 wala lang.. nakita ko lang bigla, tas napaisip ako..
sa dami ng pumasok sa isip ko, ayan naka sulat tuloy ako bigla ng ganto.. :) 


What does it mean??

Hmmmm eto ba yung MU (malabong usapan), It's complicated (nagugulomihanan), LiVe (more than like, less than love) , almost in a relationship ( may pagka assuming), CRASH (ay Crush pala, kasi naman, crush lang pero masyado kang apektado sa kanya).. BFF ( dahil lahat ng taong magtanong sa inyo, eto ang sagot nyo "BEST FRIENDS lang kami" ) kuya/ate (kapatid lang daw ang turing) haha.. 
.
Ibang iba na talaga ang panahon ngayon.. Pag sinabing MODERN, ibig sabihin MAKABAGO... So anu nga ba ang bagong paraan ng pagmamahal ngayon?? Yun ba yung, ligaw text?? Ligaw sa kalye?? Ligaw sa school?? Ligaw sa FB?? UNLIgaw?? Tipong naggng call center agent kayo sa gabi, dahil sa walang humapay na ligawan at bolahan, O yung pati babae ay nanliligaw na din??? Nauuna pang umamin.. Bibihira na lang ata yung mga pa MARIA CLARA effect ngayon.. Ang uso na ay yung mga JANINE TUGONON... :)) 
.
Bihira na din naman kasi sa mga lalake yung mala ROBIN PADILLA kung manligaw.. Tipong, sobrang sweet,, sobrang ma effort.. Magalang sa mga babae,, mapagmahal.. Matapang.. Lalakeng lalake ang dating.. Gwapo.... Kasi ang uso na ngayon ay yung mga PIOLO PASCUAL, sobrang gwapo, halos tinitilian ng lahat, macho... Yun nga lang di kayo talo... Dahil pareho kayo ng gusto.. :)) 
.
Dati ang mga babae pakipot.. Pa-tweetums, pa-demure, matipid sa pagtawa,at mahaba ang mga suot na saya...pahabaan ng manggas ng damit.. Ngayon, ang mga babae na ang unang umaamin, sila na ang nanliligaw, kahit sa kalye humahagalpak, at paiksian na ng suot.. Uso na kasi ang "pekpek shorts", tube, venus cut, at back-less, .. Tipong, kulang na lang ay maghubad.. 
.
Noon ang mga lalake pagpumunta sa bahay ng babae,, hahainan ng tatay ng babae ng baril sa lamesa, ng balisong, ng kung anu man na pwedeng ipanakot sa kanya wag lang maligawan ang anak... Pero ngayon, pagpunta mo sa bahay ng nililigawan mo hahainan ka na ng "emperador, red horse, matador, fundador, (malas mo pag nahainan ka ng ) gin bulag" :)) 
.



Noon ang mga nanay, ganto ang laging sinasabi "anak, kukurutin ko yang tinggil mo, ang iksi iksi ng palda mo, wag ka muna magpapaligaw", pero ngayon "anak, eto isuot mo mini skirt, bagay to sayo, maganda legs mo, anak may nanliligaw na ba sayo?? Anak, break nanaman ba kayo ni ano, bakit hindi ka naka in a relationship sa FB? 

.



Ang lalake noon "papakasalan kita kahit saang simbahan, maghihintay ako sayo kahit gano katagal, handa akong humarap sa mga magulang mo, andito lang ako lagi para sayo"

Ang lalake ngayon " pano kita pakakasalan eh wala pa nga kong pera?, antagal tagal mo naman asan ka na ba??, di mo pa ba ko sasagutin??, sabihin mo na sakin agad ngayon kung may pag asa ba ko o wala, baka naman kasi wala naman pala kong hinihintay sayo, tumakas ka na lang sa nanay mo,, kunyari kasama mo ang tropa" 
.



Haaaay, napapataltak na lang ako... Napapa iling ang ulo... Kaya naman tuloy ngayon, usong uso na ang kabit ng kung sino sino,, asawa ng bayan, 10 ang panganay, sulutan, divorce at annulment... Maswerte pa tayo na nakikita natin na tumandang magkasama ang mga lolo at lola natin.. Kasi sa panahon ngayon, konting away, hiwalayan na.. Puro gantihan.. Bauyan, plastikan, siraan.. Minsan may bugbugan pa..  

.



Haaaaaaaay isang malalim na buntong hininga.. Bakit kaya kung kelan naging mas matalino ang mga tao... Ngayon naman tayo nagiging bobo sa MODERN LOVE na ito..?

Sunday, April 07, 2013


Ayan Ka Nanaman!!

Eto ako at wala nanaman magawa
Nakaupo sa kama at nakatulala
Kumuha ng lapis at sumulat ng tula
Nawa ay mabasa mo ang aking gawa
....
Sa hapag kainan ikaw ay naghain
Walang imik, at mag isang kumain
Sa iyong paningin kami ay parang hangin
Wala lang sayo, kami man ay gutumin
....
Ngayon ay nasa sofa at nananahimik
Nanonood ng TV at wala kang imik
Nakaupo lamang at di ko alam ang iniisip
Gustong umalis dahil ikaw ay naiinip
....
Linggo ngayon, araw ng pagdarasal
Ikaw ay aalis, hindi ko alam ang iaasal
Siguro ikaw ay luluhod sa Maykapal
At titikim ng katawan nyang pandesal
....
Mamaya sa iyong paguwi
Pagbukas ng pinto, subukan ngumiti
Matutunan mo sanang sa anak ay bumati
Upang kahit papano'y galit ay mapawi
....
Aking ina hindi ka ba nahihiya
Alam ng Diyos ang iyong ginagawa
Ako sa iyo'y tunay na awang awa
Dahil kahit anung gawin ko, ika'y hindi makaunawa
....
Akala ko noon ako ay magiging masaya
Akala ko noon ang lahat ay mapapaganda
Akala ko ang gusto mo kami'y mapaligaya
Akala ko lang pala, wala ka palang pusong ina
....
Ang buhay ko noon ay puno ng kulay
Kahit na mag isa sa pag susunog ng kilay
Sa Pilipinas ang lola ko ang aking saklay
Ang pagmamahal nya sa'kin ay walang kapantay
....
Kami'y kinuha mo ng walang kamalay malay
Pilit mong sinasabi, andito ang tagumpay
Hindi iyon ang hinahanap ko aking Inay
Bakit pakiramdam ko ngayon ako ay pilay?
....
Nawalan ng kulay ang aking buhay
Mula nang araw na ika'y makasama sa bahay
Akala ko noon sa akin ay may aalalay
Bakit pakiramdam ko ngayon ako'y pinapatay?
....
Bakit ba ako ay di mo maintindihan?
Bakit mo ba ako pinahihirapan?
Akala mo lagi ako sayo'y lumalaban
Ang gusto ko lang naman ako'y iyong maunawan
....
Lahat ng kwento mo ay kabaliktaran
Ang mga sinasabi mo ay puro kabulaanan
Ang buhay mo ay puno ng kasinungalingan
Ako'y dismayado, hindi ko ito inaasahan
....
Ibang tao ay pilit mong tinutularan
Hindi ka naman katulad ng iyong mga kaibigan
Hindi mo alam ang kanilang kakayanan
At hindi din iyon ang iyong nakasanayan
....
Sa ibang tao ay nakikinig ka
Bakit ganon, anu bang meron sila?
Sino ba ang sa iyo'y mas mahalaga?
Ang ibang tao ba, o kaming iyong pamilya?

Bakit ka ba punong puno ng pagdududa?

Hindi mo ba nakikita?
Ako ay hirap na hirap na
Araw araw na lamang ba?
Lumuluha ang aking mga mata
....
Tuwing umaga na lang ay may kumakalabog
Ako'y nagigitla, akala ko'y may sumabog
Ako'y nagigising mula sa mahimbing na pagkakatulog
Akala ko'y kung ano, ikaw lang pala at nambubulabog
....
Nais ko ng bumalik sa bansang pinagmulan
Sa bansang Pilipinas na aking kinalakihan
Dito man sa bansang italya ako isinilang
Ngunit sa tingin ko'y kelangan ko na talagang lumisan
....
Aking ina, ika'y hindi naman iiwan
Sana ako ay iyong maintindihan
Mageexam lang ako at babalik din naman
Ito ang matagal ko ng kahilingan, nawa ay iyong pagbigyan
....
Andun ang aking lola para kami ay alagaan
Malalaki na din kami, at di na kelangan bantayan
Kelangan na talaga naming bumalik sa ating tahanan
Sa bahay na nakatirik sa gitna ng bayan
....
Alam mong ito ay hindi ko lamang kagustuhan
Ipinaliwanag ko naman ito sa'yo nung una pa lamang
Ang lahat naman, sa iyo'y pinaalam
Ano pa ba ang gumugulo sa iyong isipan?
....
Bakit ba sa amin ay wala kang tiwala?
Ang tingin mo sa amin ay malaki ang pagkakasala
Kaya naman kami ay tila iyong inaalila
At dahil dun napaltan ng galit ang aking pangungulila
....
Sa paliwanagan, ako'y hindi naman nagkulang
Ngunit lagi kang may mga baluktot na katwiran
Akala mo lagi, ikaw ay aming inuutakan
Pero kahit kelan, di mo naman napatunayan
....
Sa iyong pera kami'y walang paki alam
Kaya wag mong isipin na ika'y aming pineperahan
Sa Pinas noon, kamiy maraming pinagkakagastosan
Hindi naman ako nagreklamo kahit padala mo'y kulang-kulang
....
Sa Pilipinas ako ay maraming pinagkakautangan
Mga taong nag aruga nang ako'y musmos pa lamang
Sila ang pumuno sa lahat ng iyong pagkukulang
Nararapat lang na sila'y aking balikan at pasalamatan
....
Umalis ka at kami ay iyong nilisan
Ako'y sanggol pa ng iyong iwanan
Ang aking unang hakbang ay di mo nasilayan
Ang aking unang pagtawa ay di mo napakinggan
....
Noong ako ay bata, madalas kang tumawag sa telepono
Ako'y hindi makausap dahil umiiyak lamang ako
Dis oras ng gabi, sa kapitbahay kami ay tatakbo
Marinig lamang ang malayong boses mo
....
Ako ay umiiyak sa di malamang rason
Pakiramdam ko kasi ako'y hinahamon ng panahon
Ang buhay ko ay tila hinahampas ng alon
Mabuti na lang sa akin ay merong umampon
....
Ako'y nakatungtong sa malaking entablado
Sa wakas ako'y nakatapos ng kolehiyo
Sa iyo'y walang natanggap na regalo
Ngunit kahit kelan, ako sa iyo'y hindi nagreklamo
....
"Anong regalo sayo ng mommy mo?"
Ang text sa akin ng isa sa mga kaibigan ko
Gamit ang kanyang cellphone na bago at magarbo
"Wala nga kahit CONGRATS eh" ito ang sagot ko..
....
Akala ko noon ako ay matapang
Ang paniniwala ng lahat ako ay palaban
Iyakin ako, yon ang hindi nila alam
Lalo na pag magulang ang pinag uusapan
....
Sa piling namin matagal kang nawala
Kaya ngayon tuloy ika'y hindi makaunawa
Mabait ang Diyos, ikaw ay pinagpala
Dahil andito kami, pilit kang i
nuunawa

PAALALA: Ako ang Dalaga, Ikaw ang Ina!!!


PAALALA;  Ako ang Dalaga, Ikaw ang Ina !!!

Anong oras na?
Nasa lansangan ka pa!!
Dyan ka na kaya tumira?
Para mas masaya!!!

....
Nanay ka ba talaga?
Saan banda aking ina?
Bakit di ko makita?
Bakit ka nagbubuhay dalaga?

....
Gabing gabi na!!
San ka ba nagpunta??
Wag kang patanga tanga
Baka madapa ka..

....
Wala ka nanaman sa tahanan
Mukang chumichika ka nanaman
Ang buhay ay ipinagkakalandakan
Na puro kasinungalingan lang naman

....
Kelan ka kaya matatauhan?
Kelan ka kaya maliliwanagan?
Bakit ba sarado ang iyong isipan?
Kelan mo ba kami maiintindihan?

....
Usapan ay walang katapusan
Sa telepono'y lagi kang may kahuntahan
Araw-araw ay kwentuhan at bulaanan
Kelan ba matatapos ang iyong kadaldalan?

....
Lahat ng mali ay iyong nakikita
Wala ng tama sa iyong mga mata
Sabagay isa ka nga palang tanga
At isang ina na walang kwenta

....
Akala mo lagi ako'y iyong kakumpitensya
Ganun talaga ako sa iyo'y mas maganda
Kaya sa akin ay insecure ka
At araw araw ika'y nagmamaldita

....
Wag mo akong tanungin kung saan ako nagmana
Dahil kung anong puno, sya ring bunga
Ayos na sakin ang maging isang bungang matamis at maganda
Kesa naman sa puno na inuugat na ay may sungay pa.... Ay sangay pala, pasensya na.. (Haha)

....
Halos gumulong sa pag iyak
Ang mga anak ay hinahanap
Ngunit hindi ikaw yan, asa ka naman!!
Si Sisa yan, nabanggit ko lamang.. :))

....
Mga sabi sabi ay di ko pinakinggan
Pinaniwala ko ang aking sarili at nagbingi-bingihan
Ipinikit ang mga mata at pilit na nagbulag-bulagan
Ngunit lumabas din ang totoo at ngayo'y alam ko na ang dahilan..

....
Sa iyong paniniwala ikaw ay tama
At bilang isang nars na tagapag alaga
Ay parang ganon na nga
Sa utak ikaw ay may tama :)))

....
Ang aking kamay ay sumasakit na
Ang aking puso ay nadudurog na
Ang aking utak ay sasabog na
Kelan kaya ako makakakita ng lumuluhang ina

....
Hindi ko alam kung anong oras ako matatapos
Dahil dito aking galit ay ibubuhos
Ang buhay ko ngayo'y puno ng unos
At parang kandilang unti unting nauubos

....
Alas dyis na ng gabi ng ikaw ay dumating
Ni hindi ko alam kung saan ka nanggaling
Nga pala ako ay may sinaing na kanin
Andyan na din ang ulam, ikaw ay kumain
(Hiyang hiya naman ako sayo, baka napagod ka sa kachichika mo)

....
Nakita mo ako at hindi pinansin
Ako ay nakaupo at nagsusulat ng madiin
Hindi ko na alam ang aking gagawin
Dahil daig ko pa si Tarzan na nakabitin sa baging.

....
Lahat ng pagtitiis ay ginawa ko na
Ngunit sa iyo'y wala pa ring kwenta
Lahat ng tugtog mo ay sinayawan ko na
Kahit na iyong plaka ay sira-sira na

....
May nakapag sabi sakin na ikaw daw ay naghihintay
Naghihintay ng libreng pabahay
Aking ina, bilang iyong inakay
Ang hiling ko ay HINDI BAHAY kundi MATINONG BUHAY!!!!!

....
Ang pagmamahal ko ay walang katumbas
Ngunit ang puso mo ay napakatigas
Ang utak mo ay sarado at wala ni kaprasong butas
Sa haliging bato ay masarap ka na rin ihampas

....
Ako sa iyo'y awang awa
Katawan mong patpatin at walang taba
Ibang tao ikaw ay kinukutya
Hindi mo lang alam, ikaw ay kawawa

....
Walang ibang mahalaga sayo kundi ang pera
Sinasabi ko sayo hindi ka magiging masaya
Ang kelangan mo ay ang iyong pamilya
Dahil sa langit walang halaga ang kwarta

....
Ako'y isang batang naghahanap ng magulang
Ng isang inang may mabuting kandungan
Ngunit ikaw ay walang pakundangan
Ang aming kalooban ay iyong nilapastangan

....
Pilit naman kitang inintindi
Kahit na ang bunganga mo ay nakakarindi
Ngunit sadyang ikaw ay nakakapundi
At hindi na ako bata na ang kelangan ay kendi...

....

Muling Paalala: Ako ang Dalaga, Ikaw ang Ina!!!!