" San ka ba pinanganak?"
"Ah, edi alien ka pala"
"Kamusta na si mommy mo?"
"Hindi ba uuwi ang nanay mo?"
"Kelan ka susunod sa mommy mo?"
.
Eto ang mga katagang bata pa lang ako ay madalas ko ng naririnig sa halos lahat ng tao na mangangamusta sakin.. (Ngayon, naisip ko, oo nga, hindi nga naman ako ng kinakamusta nila, kundi ang nanay ko)...
.
Bata pa lang ako, lahat sila sinasabi na "pupunta ka din sa Italy, kasi dun ka pinanganak". Kaya noon pa man, naipag siksikan ko na sa mura kong isipan na "oo balang araw, aalis ako sa Pilipinas, kasi kelangan ko balikan yung lugar na aking pinagmulan" ..
.
![]() |
My First day here in Milan.. as usual.. ako ang photographer From Left to right: Karlo, Tita Jaja. Mommy :)) |
.
Andito na nga ako ngayon sa Italy.. Sa bansa na pinapangarap ng karamihan na mapuntahan dahil na din sa St.Peter's Square (Vatican, City) , para makita daw nila ang Santo Papa.. para na din makagala daw.. At matikman ang masasarap na PASTA at PIZZA dito.. Ganyan din ako noon, excited akong pumunta dito, akala ko kasi noon, maganda dito.. At masasarap ang mga pasta.. Ganyan naman tayong mga pinoy, sino banaman ang di nahilig sa SPAGHETTI?? Lahat ng bata, nagdaan sa spaghetti!!! . Sa mga simpleng tao, ang Spaghetti ay natitikman lang kapag may handaan... Kadalasan kapag may birthday party... Kaya naman madalas pag nakarating ka sa kapitbahay at may spaghetti sa lamesa nila ganto ang kadalasang tanong "sino ang may birthday?". Ganyan tayong mga pinoy.. Hindi pang araw araw ang pasta sa hapag kainan natin.. Sanay kasi tayo sa ADOBO, SINIGANG, DINUGUAN, KARE KARE, TULINGAN, BULANGLANG, TUYO at kung anu anu pa (di ko na iisa isahin ang mga ulam na namimiss ng mga pinoy na nakakausap ko dito)
.
![]() |
ebidensya po.. baka naman kasi sabihin nyo eh nagiimbento lang ako.. haha.. |
.
Anjan din yung napaka daming vandalism sa pader... Oo sobrang dami.. Kinabog ang mga pintuan ng CR sa mga eskwelahan sa Pinas sa dami ng nakasulat sa mga pader dito.. Some people are saying "that's vandalism!". Others are "that's art!" Me??? My question is always like this, "how the hell did they get up there?". :)) paano nga ba? paano sila nakakapag drawing at nakapag pintura sa ilalim ng tulay, sa mga riles ng tren, sa pader na ubod taas, sa mga gilid ng tren na kung sa atin ay MRT at LRT... Paano nga kaya?? Ewan ko din.. :))
.
![]() |
Via Paolo Sarpi.. ang mini divisoria ng Milano.. :)) |
.
![]() |
Paninda sa labas ng Simbahan :)) |
![]() |
Proof of purchase.. haha (kwek-kwek + suka) |
.
![]() |
Me with Karlo and mommy in St.Peter's square. |
Malayo ako sa Vatican, at sa Roma... Andito kasi ako sa Milan.. Pero narating ko na din ang Vatican at Rome na pinapangarap ng karamihan.. Ng magpunta ako dun, nakita ko ang Santo Papa.. Nakita ko ang lawak ng St. Peter's Square.. At ang mga rebulto na nakatayo sa paligid nito.. Hindi ko maintindihan, bakit hindi ako namangha?? Ewan ko din..
.
![]() |
From Castel Sant' Angelo |
.
So anu nga ba ang maganda sa Italy?? Hindi ko din alam.. Dahil ultimo yung kilala kong italyano, sinasabi nya sa akin na pangit daw dito, katunayan nga nyan, gusto nya pumunta ng Pilipinas, iniisip nya mas ok doon, kesa dito.. At oo,, ngayon, kung ikukumpara ko ang dalwang bansang ito... Ngayon masasabi ko talaga ang "IT'S MORE FUN IN THE PHILIPPINES"
![]() |
My jump shot in Luneta.. wayback 2011 :)) |
No comments:
Post a Comment