Araw ng linggo, kaya naman kelangan ko nanaman lumuwas ng Maynila... Haaay, ang init init, tinatamad ako.. Pero hindi pwede, kelangan ko na talaga lumuwas kasi maaga pa ang pasok ko bukas...
.Nagpaalam na ko sa lola ko, at lumabas na ng bahay.. Sumakay ako sa ordinary bus.. Palibahasa taga probinsyana, bibihira pa ang aircon bus sa bayan namin.. Hindi naman liblib na lugar ang pinanggalingan ko, sadya lang talaga na nagsisimula pa lang itong umasenso... :)) Bago ako sumakay ng bus,, may nakita akong nagtitinda ng BANANA QUE sa gilid ng plaza... Bagong luto, at madaming asukal.. Natatakam ako.. Parang gusto ko bumili, pero iniisip ko, natatamad naman ako kainin yun sa bus.. Baka maglaglagan lang ang asukal sa damit ko.. Nakakahiya naman kung madudumihan ako :)) .
.
Makalipas ang 15 minutes, ayan paalis na ang bus sa wakas.. Humaharurot nanaman habang nagpapatugtog ng mga pandiinang kantahan, mga tipong Bed of Roses.. Nakakairita sa tenga.. Pero ayos na din, wala naman kasi akong choice... Bababa din naman ako sa tagaytay, para lumipat sa aircon bus.. Ayoko magtyaga sa traffic at init...Sabayan pa ng mga lumang tugtugin na bet na bet ng kundoktor at driver ng bus..
.
Maya maya, may sumakay na bata... May dala dala syang mga box ng BUKO PIE na patas na patas, inaalok nya sa lahat ng pasahero sa bus na sinasakyan ko.. Wala namang bumibili sa kanya,, sa tuwing luluwas ako, lagi ko na lang nakikita ang mga gantong tao.. Mga nagtitinda ng buko pie, na wala namang bumibili pagtapos buwis buhay pa sa pagtalon ng bus,, at halos masira pa ang mga gomang tsinelas.. Nakaka awa din naman.. Gayon pa man, di pa din ako bibili ng buko pie na tinda nya... Hindi kasi ako kumakain ng buko... :))
.
Haaaay, nagugutom ata ako.. Sige na nga, dadaan muna ko sa JOLLIBEE para kumain ng paborito kong Chicken joy, at peach mango pie.. Jusko, di pa man ako nakakarating sa dorm, nabawasan na agad ang baon ko.. Pero sulit naman,, dahil sa sarap ng pagkain kay kumpare, busog na busog ako... Oo, kumpare ko na si jollibee, :))
.
Pagtapos ko kumain, dumaan ako sa 7eleven, para bumili ng baon ko.. Ako kasi yung taong nahihilo sa bus pag walang kinakain sa byahe...bumili ako ng PIKNIK, HELLO PANDA, CLOVER CHIPS, RIDGES na green at MOGU MOGU.. Oh diba, kala mo lagi field trip... :)) yan lagi ang baon ko sa byahe... Kelangan talaga madami.. Kasi baka mahilo ako... Kakainin ko yan mamaya dahil sigurado ako na TRAFFIC nanaman SA IMUS at BACOOR.. May bago pa ba dun? Syempre wala na, ang sarap na nga minsan ipabura sa mapa yung dalwang lugar na yun, eh kasi naman, di na nawalan ng traffic... Minsan kinakabog pa ang traffic sa EDSA... :))
.
Nakatulog ako sa byahe,, pag gising ko..... Shit!! Nasa Imus pa din ako?? Lintik na traffic talaga yan oh.. Haay,, kakainin ko na nga lang ang mga binili ko kanina... Binuksan ko ang piknik.. Kain, kain, kain, maya maya, nangangalahati na ang piknik na kinakain ko, pero grabe talaga ang traffic,, may kumatok sa pintuan ng aircon bus na sinasakyan ko,, si manong. na may bitbit na Ice box, pero hindi ice ang laman nun... EMPANADA!!! Haha, eto nanaman ako.. Isa to sa mga paborito ko... Masarap ang empanada na tinda ni manong.. Lalo na yung pizza flavor.. Oo may empanada na pizza flavor.. Tuwing luluwas ako, bumibili ako sa kanya nun, sa tuwing sasakay sya sa bus na sinasakyan ko din :))
.
Ubos na ang mga pagkain ko.. Sa wakas nasa may pasay rotonda na ko..haaay andaming tao.. Ayoko talaga ng ganto.. Nakakairita. Nakakabanas pa ang init.. at may malaking bag pa kong bitbit.. Andaming taong nakapila para bumili ng ticket sa MRT... Magttyaga nanaman ako.. MRT ang sasakyan ko, kasi naghihintay sakin ang mga pinsan ko, nasa TRINOMA daw sila,doon na nila ko hihintayin sa taas sa may STARBUCKS, para sabay sabay na kami pumunta sa SM NORTH.. nagyayakag daw kasi yung isa naming ka dorm na kumain sa may SKY GARDEN sa ARMY NAVY... Doon na daw kami maghahapunan.... Oo na, ako na ang matakaw... Kumain na lang ako buong maghapon... Haha, pero sa maniwala kayo at sa hindi, hindi ko talaga nauubos ang burger sa army navy.. Kasi naman, sobrang laki, at sobrang oily ... Kaya naman, lagi na lang taga kain ng tira tira ko ang mga pinsan ko.. buti na lang talaga mahal ako ng mga pinsan ko.. Hahahaha..
.
Busog na ang ang lahat... Kaya naman nagdecide kami na umuwi na.. Naghhntay na kami ng bus na byaheng MALANDAY... Nakasakay na kami, siksikan nanaman.. Dahil ako ang babae, ako ang pinaupo ng mga kasama ko... Ganun talaga... Yan ang advantage ng babae.. Haha.. Maya maya, nakarating na din kami.. Bumaba kami sa BBB (hanggang ngayon, di ko alam kung anong ibig sabihin nyan, hahaha, basta yan ang tawag sa lugar na yun.. ) :))
.
Sa wakas, eto na kami sa gate ng dorm namin... Pagbukas ng gate, nakita namin pinapakain ni GAMBY yung aso nya... (Si gamby talaga ay pangalan nung aso, pero dahil sa kalokohan namin ng mga kadorm ko, gamby na din ang tawag namin sa amo nya, sa tuwing pinag uusapan namin sya . :)) haha ) tapos naghahabulan naman sina SACHI at FORD sa may tapat ng bahay namin...(Si sachi ay anak ng kapitbahay namin, at si Ford naman ay anak ni Gamby, ang katiwala sa compound na inuupahan namin)
.
Pagbukas ng pintuan ng bahay namin... May kumalabog sa itaas... Up and down kasi ang boarding house namin... Sanay na kami sa mga ganyang kalabog.. Mga naglalakad, nagbubukas ng ilaw at gripo, nag hihina at naglalakas ng volume ng tv, o di kaya naman ay umaakyat sa hagdan kahit na wala namang tao... Oo, may kaibigan ata kami sa bahay na yun... At pinangalanan namin syang CUSTAVO... :))
.
Magpapahinga na ang lahat, kaya naman nakahiga na kami sa kanya kanya naming kama... Nagbukas ng radyo ang pinsan ko, nakinig kay PAPA JACK... Naging libangan na din namin ang makinig kay papa jack tuwing gabi... Haha.. Wala kasing magawa eh.. Habang nagpapa antok.. :)) dahil lahat kami may pasok pa bukas..
.
Kinabukasan, nagising ako... 6am... Shit.... Late na... Maliligo pa ko.. May tao pa sa CR, kasi naliligo pa yung pinsan ko... 7:25am na ng nkarating ako sa school... Tamang 5minutes na lang, mag sstart na ang klase... Pag pasok ng professor ko... "Good Morning class, get one half lengthwise, you'll be having your quiz about our topic last week, before I start my discussion about the life of Rizal".
.
Sheeeeeeet..... Nakalimutan ko,,, may Quiz nga pala kami today.. Malulunisan ata ako... Lunes na lunes... Agang aga... Buena mano naman tong walang kwentang professor ko... :)) feeling major talaga..
(Nga pala, magtataka ka siguro bakit capitalized yung ibang words,, yun kasi yung mga bagay na namimiss ko sa pinas, uuuuy, titingnan nya ulit.. Haha )